Mariing kinokondena ng Kilusan para sa Pambansang Demokrasya (KILUSAN), Workers for Peoples’ Liberation (WPL) at iba pang kasaping organisasyon ng KILUSAN ang, Department of Labor and Employment (DOLE) ng gubyernong PNoy, ang lokal na gubyerno ng Valenzuela City at mga kapitalistang sina Beato Ang at Ong King Guan na may-ari ng Kentex Manufacturing Corp., sa masaklap na kamatayan ng higit 70 manggagawa nuong Mayo 13, 2014. Dumulo sa pagka-abo nang buhay ng mga manggagawang nakakarami ay kababaihan, at kinabilangan ng ilang menor de edad ang serye ng mga paglabag sa mga karapatan at pagsasamantala sa mga manggagawa. Una, ay madiing katibayan na ang gusali ay FIRE TRAP. Ibig sabihin isang gusali na sa pagkaka-layout nito ay isang tiyak na panganib kapag nagkasunog. Walang mga fire exit sa ikalawang palapag, na lugar ng trabaho ng higit na nakakaraming manggagawa . Ang iisang fire exit sa unang palapag ay hindi fire exit kundi main door! Sa katunayan, hindi dito lumabas ang sampung (10) nakaligtas na manggagawang sa halip ay sa pinto sa likod o back door. Iisa, ang hagdan paakyat at pababa mula sa ikalawang palapag. Ang mga bintana ng gusali ay may rehas na bakal, animo’y rehas ng bilangguan. Pangalawa, ang mga kemikal at iba pang materyales na health and fire hazards ay naka-imbak sa unang palapag. Walang hiwalay na bodega nito sa labas ng gusaling lugar ng trabaho. Pangatlo, walang fire drill na isinagawa kailanman sa nakaraan. Ito ay pinatunayan ng mga nakaligtas na manggagawa. Walang safety officer na itinalaga ng may-ari ng Kentex. Sa kabila nito at ng mala-cremation na sinapit ng mga buhay na manggagawa ay walang kahihiyang sinabi ni Sec. Baldoz ng DOLE na ang Kentex ay pasado sa general labor standards at sa occupational health and safety standards. Pinatunayan ito diumano sa inspeksyong ginawa ng DOLE nuong Setyembre 2014. Ang Kentex, diumano, ay binigyan ng Bureau of Fire Protection (BFP) ng fire safety inspection certificate taong 2014 din. Sa totoo’y walang pagsusuring ginawa ang DOLE. Ang tunay na nangyari ay self assessment ng may-ari ng Kentext, kaladkad ang company union ng tatatlumpong manggagawa. Ito ay naaayon sa Department Order (DO) 57-04 ng DOLE na nagpapahintulot sa malalaking kapitalista na may 200 o higit pang bilang ng maggagawa na gawin ang self-assessment. Sino bang kapitalista, na walang ibang layon kundi magkamal ng tubo sa pagpiga sa manggagawa, na magsasabing hindi pasado sa general labor standards ang kanilang empresa! Paulit-ulit naming kinokondina ang DOLE at gubyerno ni PNoy sa pagpapaubaya sa iilang malalaking kapitalista sa DO 57-04. Ito ay naaayon sa maka-kapitalista, laluna sa dayuhan, na tindig na mismong sinabi ni PNoy, “ Ang gubyerno ay hindi magiging balakid sa kapital, sa halip, ito ay tagapagpalago (enhancer) ng interes ng kapital”. Impiyernong kondisyon ng trabaho Bago pa ang sunog, ay impyerno na ang kondisyon ng trabaho ng mga manggagawa ng Kentex na gumagawa ng produktong tsinelas na goma (flipflops) tatak Havanas at iba pang rubber footwear. Ang kabuuang bilang ng trabahador ay mahigit 200. Ang tinuturing ng kapitalista ng Kentex na “regular” ay lampas 20 taong nagtatrabaho dito. Samantala, ang mga “casual” ay karaniwang 10 o higit pang taon sa Kentex. Ang mga “regular” at “casual” na manggagwa lamang ang tumatanggap ng minimum na sahod batay sa itinatakda ng Wage Board ng NCR. Humigit kumulang ang mga “regular” at “casual” ay bumibilang sa 80 katao o 40% ng pwersang manggagawa! Ang mga “regular” ay 15% ng ng mga manggagawa ng Kentex. Sila ang 30-kataong company union na kaladkad ng management para magpatibay na pasado ang Kentex sa labor standards and health and safety standards. Humigit-kumulang, 40 katao o 20% ng mga manggawa ay kontraktuwal na tuwirang tinanggap (direct-hired) ng Kentex. Sila ay nagtatrabaho sa batayang pakyawan o piece rate nang walang malinaw na basic pay at walang mga benepisyo. Kung ilang taon na silang kontraktuwal, tulad ng isa na 11 taon na sa ganitong katayuan. Sapagkat pakyawan o piece rate kadalasan ay kasama nila sa trabaho ang kanilang kapatid o anak, laluna kapag bakasyon, kung kaya may nasawi na mga menor de edad. Ang Kentex Inc, diumano’y pasado sa labor standards, ay pinahihintulot na magtrabaho dito ang mga menor de edad! Ayon sa mga nakausap na trabahador, ang 40% o 80 manggagawa ay agency hired sa pamamagitan ng CJC Manpower Services. Ang mga agency hired ay sumasahod ng minimum na P202/araw at may karagdagang P187-P220 daily allowance depende sa tagal sa serbisyo. Ngunit natuklasan ng mga agency hired ng CJC na hindi nito nire-remit sa SSS, Philhealth at Pag-ibig ang kapwa bahagi ng manggagawa at ng management. Nang mabisto, inamin ng DOLE na ang CJC ay hindi legal na nag-oopereyt at wala ito sa listahan ng recognized ng DOLE na Labor Agencies! Ang P202 na minimum na sahod ay lubhang mababa sa P466 na minimum wage na itinakda ng Wage Board ng NCR. Samantala ang P466 na minimum na sahod ay lubhang mababa sa mahigit P1,000 na arawang kita ng isang pamilya para makamit ang mga batayang pangangailangan. Walang pagsang-alang-alang ang may-ari ng Kentex sa kalagayan ng kanilang mga manggagawa. Ni walang maayos na bentilasyon sa loob ng pabrika na naglalagay sa kapahamakan ng kalusugan ng kanilang mga manggagawa. Isang katunayan na ang kapitalista ay walang pagkalinga sa kanyang mga manggagawa na siyang lumilikha ng yaman para sa kanya. Samantala, ang P5,000 na ipapatong sa P8,000 na katumbas sa kalahati ng buwanang sahod, na tulong para sa pamilya ng mga manggagawang namatay ay hindi sasapat at hindi makatwiran at makatarungan. Masalot na insult ito sa mga naulila laluna kung isasaalang alang ang napakalaking kita at tubo na piniga ng mga may-ari ng Kentex sa pagtatrabaho ng mga nasawi sa loob ng ilang taon. Ang pagka-abo ng higit sa 70 manggagawa ng Kentex ay malagim na paalala sa sinapit ng 17 empleyado ng Novo Jeans and Shirts na nasawi nang masunog ang department store nito sa Butuan City. Buwan din iyon ng Mayo, 2012. Ang mga biktima ay stay-in na manggagawa na natutulog sa dormitoryo sa ikatlong palapag. Ang limang nakaligtas ay nasaktan din sa kanilang pagtalon mula sa ikatlong palapag sapagkat ang dormitoryo ay naka-padlock mula sa labas upang maiwasan daw ang pagnanakaw ng mga manggagawang pinasasahod lamang ng P160 sa pagtatrabaho nang 12-14 oras sa bawat araw nang walang overtime pay. Sapagkat sila’y kontraktuwal. Hindi lamang dito sa Pilipinas nangyayari ang ganitong kalunos-lunos na sinasapit ng mga manggagawa. Sa iba’t ibang panig ng mundo ay mayroong mga manggagawang nagbubuwis ng buhay sa ngalan ng tubo para sa mga kapitalista. Hindi nga ba’t nitong Abril lamang ay isang ginagawang planta ng semento sa Bangladesh ang gumuho na ikinasawi ng 5 at kinasugat ng marami pang construction workers sa Bangladesh. Iyon ay alingawngaw ng tulad na sinapit ng 2 nasawi at 11 nasaktan na construction workers nang gumuho ang bahagi ng ika-7 palapag ng ginagawang gusali sa Bonifacio Global City, Taguig City; Pebrero 2015 lang ito. Ito ang mukha ng kapitalismong itinataguyod ng gubyerno. Ang disensyong neo-liberal ng imperyalistang globalisasyon na nagbibigay ng higit kalayaan sa mga kapitalistang magkamal ng tubo habang isinasadlak ang mga manggagawa sa kadusta-dustang kalagayan. Dagdag na madiing insulto sa mga manggagawa na ang naka-abang na trahedya ay naganap sa MAYO, buwan ng manggagawa ng buong daigdig. Kaisa ang KILUSAN sa pakikiramay sa mga pamilya, kaanak at kaibigan ng mga manggagawang namatay sa sunog sa pabrika ng Kentex noong Mayo 13. Kaisa nila kami sa pagsigaw ng katarungan. Mahigpit naming kahilingan na: 1. Panagutin ang mga may-ari ng Kentex, ang DOLE at Panguluhang Noyboy Aquino at lokal na gubyerno ng Valenzuela sa kriminal na paglabag sa mga karapatan at kaligtasan ng mga manggagawa na tulak ng DO 57-04! 2. Agad na ipawalang-bisa ang DO 57-04! 3. Kasama ang mga manggagawa, isagawa ang mahigpit na imbestigasyon at pagsusuri sa bawat empresa na may mula 200 at higit pang bilang ng manggagawa! 4. Katarungan para sa mahigit 70 manggagawa at kanilang mga pamilya sa pamamagitan ng pagpaparusa sa mga may sala at makatarungang bayad-pinsala sa mga pamilyang naulila! Manggagawa magkaisa at lumaban para sa kapakanan at kalayaan natin at ng buong mamamayan! Ibasura ang mga patakarang neo-liberal na nagbibigay ng higit na kalayaan sa kapital at may-ari ng kapital! Kilusan para sa Pambansang Demokrasya (KILUSAN) Workers for Peoples’ Liberation (WPL-MAKABAYAN) May 18, 2015
0 Comments
On Corruption and Patronage Politics: Scrapping the Pork Barrel Is Only the Beginning Calls to scrap the Priority Development Assistance Fund (PDAF) or popularly known as the ‘pork barrel’ are mounting as more details are revealed in the latest scandal of its misuse—ten billion pesos in a span of ten years (2002-2012), involving past and present legislators (administration and opposition) as well as the executive pork barrel (this was during the time of then-President-now-Pampanga Congresswoman Gloria Macapagal Arroyo). Even President Aquino, wanting to temper the mounting public outrage recently came out and told the public that, with the help of Congress (‘porky’ legislators and all) The prevalent consciousness and the patronage relations in our society stems from the stunted, backward character of the semi-feudal economy – the concentration of wealth and power in the hands of the few on one hand and the widespread backwardness, small scale and individualized production that doesn’t allow the advancement of the majority on the other hand. This system breeds the personal dependence on patrons of those without wealth and cultivates the patrons to institute domination through patronage relations. The politics of a semifeudal setup is characterized by the entrenchment in power of the big bourgeoisie (big merchantile or trading and finance bourgeoisie) to operationalize their class rule. Such dominance extends to the politicians the capacity to control the dispensation of privileges (position, benefits) and the national coffers. From this position, the politicians can sustain and strengthen their political base that hinges on patronage relations. Scandals and corruption are the immediate outcomes. The phenomenon of arbitrary dispensation of positions in the government to the most favored personnel (15/30 or “tilapia appointments”, ghost employees, consultancy, board membership in different agencies, granting of appointments (in the case of teachers) and contracts, dispensation of privileges in relation to social services (i.e. scholarships) are employed to strengthen the dependence of those without wealth, power and capacity for personal advancement on political families. On top of these is the accumulation of wealth by stealing the public fund to finance political patronage. It is the stolen public fund that sustains and strengthens the political base of a political family. The public fund stolen with ease which is used as private wealth make possible the procurement of private arms, the employment of thugs and hitmen, bribery of government officials and employees, financing of expensive electoral campaigns and vote buying. The issue of the pork barrel confronts the Pnoy administration with its much touted “matuwid na daan). It did not come out in the open because of Pnoy’s “success” in his anti-corruption drive. It hugged the newspapers headlines because of conflicts between racketeers. As the plot of the story on pork barrel thickens, it exposes the fact that Pnoy has also its own barrel. Pagcor documents showed that the President got P2.028 billion in pork barrel funds last year. The amount is pegged at P2.25 billion this year and is projected to increase to P2.5 billion in 2014. Amidst the mounting anger of the people on the pork barrel and the spontaneous resolve of the people to join Occupy Luneta dubbed as “Million People March to Luneta), Pnoy is exposed as becoming one of the best defenders of the pork barrel. He found his scapegoat on Napoles and ordered the Department of Justice (DoJ) to immediately file criminal charges against Napoles. Napoles was only the conduit. The corruption started with the legislators dispensing their pork barrel. Expectedly, both houses opted not to pursue their investigation on the pork barrel, citing they cannot investigate their own colleagues. Last Friday, Pnoy issued the order of putting into place new mechanism for the PDAF in time for the passage of the 2014 General Appropriation Act. As one legistator said, it is still “an itemized pork”. Others added “that the supposed reform in the budget system would still lead to patronage politics." Moreover, former government official has labeled Pnoy’s move as being “selective abolition of the pork barrel, exempting the President's share of the funds from being axed.” It is still a public fund that will be favorably “dispensed to allies and withheld from political opponents.” The pork barrel will obviously be reincarnated. It has already its name in the past and increased through the years. All these are happening while several barangays and its puroks don’t have a source of clean drinking water, no electricity, no schools in far flung areas, no day care centers, no rural health units, and where patients compete for beds in the public hospitals. The systemic corruption or the stealing of public funds is added burden and destruction that victimizes the ordinary people. This has become a dreaded disease that denies assistance to the people in providing them the basic needs. Let us continue to work for the scrapping of the pork barrel. More importantly, let us continue to struggle to change the system that has perpetuated and institutionalized corruption in all facets of its life. Kilusan August 26, 2013 HUMAN RIGHTS DAY PROTEST sa Baguio, GINULO
“Peke! Peke ! ITIGIL NYO YAN!” at dirty-finger signs mula sa CPP/NPA/KM Jim Pag-a Tagumpay ang Human Rights Day Protest sa Baguio sa kabila ng panggugulo ng CPP/NPA/Kabataang Makabayan. Nagmartsa-protesta ang mga militante at iba pang progresibong organisasyon ng mga estudyante at kabataan sa Baguio para sa Ika - 63 anibersaryo ng pandaigdigang araw ng karapatang pantao noong Disyembre 10, 2011. Kasama ng KPD (Kilusan para sa Pambansang Demokrasya) – North Luzon ang CADUA Students Party at UP Baguio University Students Council. Dala ng mga organisasyong ito ang kampanyang “OCCUPY for our RIGHTS” para sa makataong pamumuhay. Nanawagan ang mga nagprotesta ng pagkakaisa para itulak ang gobyernong Aquino na tumindig sa panig ng mamamayan at itigil ang pribatisasyon ng edukasyon at kalusugan, kontraktwalisasyon sa hanay ng manggagawa, talamak na pagmimina, logging at liberalisasyon ng agrikultura at pangisdaan. Habang papalakas ang pagsigaw ng “OCCUPY, OCCUPY, OCCUPY for our RIGHTS”, lumitaw sa likod ng mga militante ang di- abot 15 kataong nakahawak ng bandila ng CPP/NPA/NDF. Sa gitna ng sigaw para sa karapatan sa TRABAHO, PAGKAIN, PABAHAY,KALUSUGAN at EDUKASYON, umeksena ang grupong CPP/KM/NPA ng sigaw ng REBOLUSYON, IPAGPATULOY ANG DIWA NI KA ROGER at mga panawagan sa mga kabataang MAG-ARMAS habang ang ilang miyembro nila ay nagpinta ng VIVA CPP-NPA sa gitna ng mapayapang protesta. Naging tensyonado ang sitwasyon dahil inakala ng mga pulis na kasama ng KPD at UP ang grupong ito. Sumandaling huminto sa martsa ang Occupy marchers habang hinahabol ng mga pulis ang mga kabataang nakamaskara. Matapos madisperse ang KM/CPP/NPA group, nagpatuloy sa martsa ang mga militante at tuloy-tuloy sa pagpapaliwanag kaugnay ng diwa ng Kilusang Kami ang 99%. Sinalubong ito ng mga kasamang MAKABAYAN vendors sa Magsaysay Avenue bilang suporta. Nagpatuloy ang protesta subalit muling nagkaroon ng tensyon ng sumigaw ng “PEKE-PEKE, ITIGIL NYO YAN, MGA WALANG KWENTANG UP!” ang limang myembro ng Kabataang Makabayan na noon ay nakapwesto na sa Maharlika-Tiongsan Overpass. Nakunan ng TV Patrol Northern Luzon ang mga nanggugulong kabataan habang naka-dirty-finger sign at patuloy sa pagsigaw g PEKE sa grupong Occupy ng KPD. May ilang bahagi rin ng KM/CPP/NPA group ang muling nag-dirty-finger sign noong makarating sa Harrisson Road ang grupong KPD/OCCUPY. Mariing kinundena ng KPD at ng UP Student Council ang nasabing panggugulo. Nakilala ng UP Student Council contingents ang ilan sa mga nanggulo na mga LFS at ANAKBAYAN members ng UP at sila ring mga masugid na nanggugulo sa mga proyekto at pagkilos ng UP Student Council, na nagkataong hindi mula sa mga pinatakbo ng ACS, ang Student Party ng Anakbayan sa UP. Hindi maiiwasang magkaroon ng kalituhan ang mga masang nakasaksi sa naturang pangyayari. Nagkaroon ng pagkakataon ang KPD na makapaglinaw kaugnay ng pangyayari nang maimbitahan ito sa “Naimbag Nga Morning Kapamilya,” local morning TV program ng Channel 2. Nagkaharap dito si Jim Pag-a at isang kinatawan ng Anakbayan. Kapwa tinanong ang dalawa kaugnay ng naging kaganapan sa HR Rally. Itinanggi ng Anakbayan na kasamahan nila ang KM/CPP/NPA na nanggulo, subalit sa palitan ng tanungan, magpapaliwanag sila kung bakit karapat-dapat tawaging PEKE ang KPD. Hindi daw kasi nito diretsong maatake si Pnoy. At sa pagsasabi raw na may mga LFS/Anakbayan na kasama sa grupong CPP/KM/NPA na nanggulo sa rally. Hindi na raw, kung ganun, naiiba ang KPD sa mga bayarang ahente ng AFP. Sa bahagi ng KPD, hinamon nito ang lahat ng nagsasabing progresibong kilusan sila ng mamamayan na umayon sa layuning abutin ang kaisahan ng nakararami o ng 99% kaysa maghasik ng panghahati at panggugulo. Dagdag pa ng KPD, dapat respetuhin ng ibang political block ang kilusan ng mamamayan sapagkat hindi ito kailanman magiging pag-aari ng isang organisasyon o ng iilan lamang. Dagdag pa ng grupo ngayon higit kailangan ang pagkakaisa sa kabila ng pagkakaiba-iba upang mapuspos ang pagbabago. Naniniwala rin ang mga militante na hindi kailanman magiging solusyon sa malalang paglabag sa karapatang pantao ang mga reporma ng gobyernong Aquino, dahil ito ay panakip butas lamang sa pagkaganid ng kapitalismo. ### Ipaglaban ang Karapatan sa Pagkain, Pabahay, Trabaho, Kalusugan at Edukasyon!
Tayo ang 99%! Sa halos lahat ng panig ng mundo, mainit ang paglaganap ng pagpapahayag ng mamamayan ng kanilang pagtutol sa kasalukuyang umiiral na inhustisya sa sistemang panlipunan at pang-ekonomikong hindi pagkakapantay-pantay ng mamamayan, mataas na antas ng kawalan ng trabaho, korapsyon, kasakiman, pang-aapi at eksploytasyong dulot ng kapitalismo at hindi marapat na impluwensya ng mga korporasyon sa pulitika ng bansa. Mula sa Occupy Wall Street (OWS), isang kilusang nabuo mula sa lakas ng masang nagsimula noong September 17, 2011 sa Liberty Square, sa financial district ng Manhattan, ay kumalat sa mahigit na isandaang lungsod sa Estados Unidos at malawakang pagkilos ng masa mula sa mahigit isanlibo at limandaang lungsod sa walong daang bansa sa buong daigdig. Ang OWS ay naglalayong labanan ang kapangyarihan ng mga bangko at multinational na mga korporasyon sa demokratikong proseso ng bansa, at ang bahaging ginagampanan ng Wall Street sa pagkakaroon ng pagguho sa ekonomiya, na nagdulot ng pinakamalaking resesyon sa bansa. Ang kilusang ito ay humugot ng inspirasyon mula sa mga rebolusyong naganap sa gitnang silangan, partikular sa Egypt at Tunisia, at naglalayong labanan ang pinakamayamang 1% na gumagawa ng mga batas at polisiyang hindi makatarungan para sa mga mahihirap, at sa nalalabing 99% ng populasyon. Ang isinisigaw ng masang "kami ang 99 %" ay tumutukoy sa agwat kung saan ang yaman ng isang bansa ay nakakonsentra sa mayamang 1% at ang natitira ay sa masang 99%. Ang mga protestang nagaganap sa iba't ibang bahagi ng mundo ay naglalayong magkaroon ng pagbabago sa nabubulok na sistemang kapitalismo. Sa Estados Unidos lamang noong 2007, ang pinakamayamang 1% sa kanilang populasyon ay nagmamay-ari ng 34.6% ng kabuuang yaman ng bansa, at ang susunod na 19% ay namamay-ari ng 50.5%. Samakatuwid, ang pinakamayamang 20% ng Estados Unidos ay nagmamay-ari ng 85% ng yaman ng bansa at ang masang 80% ay nagmamay-ari ng 15%. Subalit pagkatapos ng Great Recession na nag-umpisa noong 2007, lumobo ang bahagi ng mayamang 1% sa yaman ng bansa, na nagdulot ng lalong paglayo ng agwat ng mayamang 1%. Bago pa man sumambulat ang "Occupy Movement," ramdam na natin ang krisis na dulot ng sistemang kapitalismo sa lipunang Pilipino. Sa NCSB (National Census and Statistical Board) - CAR latest report (2009 data), napakalayo pa natin sa pagkakamit ng mga itinakda ng 2015 Millenium Development Goals o MDG. Ang per capita income ay P 44.16 kada araw, kalahati lamang ng naitakdang international poverty threshold na P 80/day o $2/day. Patuloy na lumalaki ang poverty gap: 4.8 (2009) kumpara sa 2.1 target sa 2015. Lumalala ang problema ng akses sa edukasyon, sa 100 pumasok ng Grade 1, 64 lamang ang nakakatapos ng Grade 6. Tuloy-tuloy ang taas ng matrikula at patuloy ang budget cuts sa state colleges and universities gaya ng UP. Ang mga "pinalad" na makagradweyt ay bumabagsak sa call centers, malls o di kaya'y sa walang katiyakang trabaho sa labas ng bansa. Kalunos-lunos din ang aspetong pangkalusugan. Napakataas ng maternal mortality rate sa CAR - 79% kumpara sa target na 24.8% sa 2015. Tumaas din ng 5 ulit ang mga sakit na nakukuha sa pagkain at tubig. Patuloy ding binabagabag ng posibilidad ng demolisyon ang mayorya ng residente sa Baguio City na walang sariling tirahan. Lumulobo ang bilang ng informal sector o yaong walang tiyak na hanapbuhay. Mahigit 5,000 libo ang bilang ng vendors sa lunsod, gaano man naisin ng pamahalaan na pababain ito o pigilan ang paglaki sa pamamagitan ng kung anu-anong ordinansa. Ilan lamang ito sa mga dahilan ng ating pakikisimpatiya sa Kilusang Kami ang 99%! Bilang bahagi ng 99% sa ating bansa, ang Kilusan Para sa Pambansang Demokrasya (KPD) ng Baguio City, kasama ang iba't ibang grupo at organisasyon ng mga estudyante't kabataan, manggagawa at mala-manggagawa, magbubukid, kababaihan at mga propesyunal, ay nagpapahayag ng pakikiisa sa laban ng buong daigdig upang igiit ang karapatan ng bawat mamamayan para sa hustisyang pang-ekonomiya at panlipunan. Sama-sama nating isigaw ang ating lehitimong karapatan na matagal ng ipinagkakait sa atin. Wala ng iba pang magtatanggol sa atin mula sa ganitong kaayusan ng lipunan kundi ang ating mga sarili. Ang ating bilang ang ating lakas at sandata laban sa mga nagsasamantala. Milyun-milyon sa Pilipinas lamang ang buhay na winawaldas ng kapitalismo. Sa gitna ng napakaunlad na teknolohiya na lumilikha ng sobra-sobrang produkto at kapital ay patuloy na pagdarahop, kasalatan at kawalang katiyakan ang dulot sa 99% ng sangkatauhan! Sa patuloy na sumisigaw ng katarungan, sa mga nagdurusa sa paghahanap ng trabaho, sa mga manggagawa at empleyadong tig-lilimang buwan lamang ang trabaho, sa mga magulang na halos igapang ang pagpapaaral sa kanilang mga anak, sa mga mamamamayang nababaon sa mga utang sa bangko, sa mga nangangamba kung paano magkakaroon ng pagkaing ihahain sa hapag-kainan, sa masang anakpawis na walang akses sa matinong pagamutan at serbisyong pangkalusugan, sa mga nakakapasok ng kolehiyo ngunit nagiging drop outs, sa mga matagal nang walang sariling tirahan at palaging may demolisyong nakaamba, sa mga propesyunal na mabilis na dumadausdos ang katayuan sa lipunan, sa mga vendors na laging nakikipaghabulan sa pulis para isalba ang kanilang mga pwesto at paninda, sa mga drivers, construction workers at lahat ng nabubuhay sa para-paraan, sa mga gradweyts na napapabilang lamang sa milyon-milyong walang hanapbuhay, sa mga empleyado ng gubyernong nakaambang mawalan ng trabaho dahil sa austerity measures, sa mga guro at government retirees na walang makuhang kagalang-galang na retirement benefits, sa mga negosyteng patuloy na nababangkrap ... TAYO ANG 99%! TAYO ang bumubuhay sa lipunan! Sa ating pawis nagmumula ang superganansiya ng natitirang 1%! Tayo ang lumilikha ng yaman subalit tayo ang walang katiyakan ang buhay at kinabukasan! Isulong ang Kilusang "Kami ang 99%!" Ang ating bilang ang ating tanging lakas at sandata! Kamtin natin ang yamang tayo ang lumikha at dapat ay sa atin! Isulong ang hustiyang pang-ekonomya at panlipunan! Likhain ang lipunan at sistemang kakalinga sa higit na nakararami! Occupy Movement Baguio-Benguet/Kilusang Kami ang 99%: KPD UP Baguio Student Council CADUA - UP Serve - Net Kaisa Ka Baguio Women Grassroots Vendors Association YELL and OCCUPY! (Youth Environment League for Green Occupation) Teatro Linnaaw |
Categories
All
|